Jane oineza and jeron teng facebook

          This Page is Intended to Support Jane Oineza and Jeron Teng "INDIVIDUALLY"(formely knowned as JARON) No Room and Space for Negativity and Hate....

          Jane Oineza confirms split with Jeron Teng

          Umamin na si Jane Oineza na nagkaroon sila ng relasyon sa basketbolistang si Jeron Teng, ngunit hiwalay na sila.

          Sa episode ng Kris TV ngayong Huwebes, March 3, ipinaliwanag ni Jane ang tungkol sa naudlot nilang relasyon ni Jeron.

          Pinag-uusapan kasi nila ang tungkol sa mga gulay at napunta ang usapan sa bitterness.

          Dito na kinumusta ng host na si Kris Aquino si Jane, na guest sa naturang episode kasama si Arci Muñoz.

          Tanong ni Kris kay Jane, “Speaking of bitterness, are you okay?”

          Sinabi ni Jane na wala naman daw siyang problema.

          Dito na nagkomento ang TV host-actress ng: “Ito yung ano… classic example na [relasyong] natapos na lang pero never umamin.”

          Matagal nang napapabalitang may espesyal na namamagitan kina Jane at Jeron, ngunit kailanman ay hindi sila umamin.

          Komento ni Jane, “Ano lang… may mga bagay lang na hindi mo [in-]expect na mawawala, pero nawawala, pero okay lang.&r